Tungkol saken?

My photo
Valenzuela, Philippines

Sunday, October 24, 2010

I got drowned.


Saturday, October 23, 2010

Randomism.

K. Why is discipline so hard to do?

I'm not an actress to stay up late.

K. Why is the cancel button so near to other letters on the cellphone's keypad.

I have such a big problem about that. Haha.

K.Why have I thought of the word "randomism" ?

Err. Clueless.

K. Why are my questions answered by myself?

Ughh.

K. Why is that when I'm typing this blinking line thinggy jumps and it ruins my typing?

!@#$%^&*(

K. Why do I promise things, I just break it ?

-__-"

Aaaand... Why do I use "K"? It's not even a word, Is it?

Haha.

What happened this week?

Had exams. Schoolworks and all. Birthday of my classmate. And just this afternoon I'm so disappointed with the  Rugby Boys around the town. -__-" I want to report them all to DSWD. I don't have a picture, I left my phone. X) I forgot other things that happened this week. -__-"

I need a vacation! That's what I remember. Hrhr. XD

Tuesday, October 12, 2010

Again, For Project Purposes X)

O Diyos ko at ang Iyong dakilang pangalan
Pinupuri ka ng iyong lingkod sa iyong kagalingan
Pagpalain mo ako O Diyos sa aking pagdalangin
Gawin mong ligtas sa gabi at araw

Gabayan mo ako saanman ako naroroon
Ituro mo sa akin ang tamang landas
O Dakilang Panginoon, sa Iyo ako'y sumasampalataya
At nagpapasalamat ako sa mga biyayang aking natatanggap

Marami pong salamat sa lahat
Marami man akong pagkukulang
Lagi ka pong nandiyan upang magpatawad
Inilalayo mo po ako sa mga taong tampalasan

Salamat po sa patuloy na pag iingat
Itinutulot mo pong laging malayo sa karamdaman
Ipinaaalala mo rin na lumayo sa kasamaan
Salamat po at di mo ako pinababayaan

---
Aking mga magulang, salamat sa lahat
Marami man akong nagagawang mali sa inyo
Sana'y itinuturing niyo pa rin akong mabuting anak
Ginagawa ko naman ang lahat upang masuklian, inyong kabutihan

Mahal ko po kayo't di niyo 'ko pinabayaan
Sa halip, ako'y inyong minahal at inalagaan
Sinusuportahan sa mga talento
Sinisugurong malayo sa ano mang pahamak

---
Aking mga kaibigan, salamat at lagi kayong nandiyan
Alam kong handa kayong suportahan ako
Kahit minsa'y mabigat na para sa inyo
Nandyan lang kayo't handang tumulong

Kaya nga pinatatawa ko na lang kayo
Para naman, kahit maliit na kaparaanan,
Nasuklian ko, inyong mga kabutihan
Ang ating pagdadamayan, sana ay di kumupas

---

Giliw, Sa aking lungkot at pag-iisa
Bigla na lamang kumawala't napuksa
Ang lumbay na s'yang sa akin ay bumalot
At aking natamo, pag-ibig mong dulot.

Sa t'wing akin kang kasama'y sumasaya,
Lahat ng naisin, aking nakukuha
At sa bawat oras na ika'y kapiling,
Ako'y tila nasa langit, O' ang galing!

---
Minsan sa buhay, maraming kalungkutan
Dumadatal pa, tigib ng kahirapan
Naluluha at di alam ang gagawin
Naguguluhan sa dami ng isipin

Ngunit huwag mawawalan ng pag asa
Laging isipin, ang Diyos umaalala
Nandiyan din, mga pamilya't kaibigan
Nasa tabi at handa kang suportahan

Saturday, October 9, 2010

Due to "I-Now-Have-Braces and My Upper Lip is Bulging"

My 2 Upper First Premolars were uprooted. It feels weird when my tongue touches my gums. They hurt and the bleeding stopped minutes ago. When we got home, I had to change the cotton balls frequently. I am not allowed to eat or drink hot food/drinks and to get tired. I had to put cold compress on my mouth. Haven't done much of my projects that are due to be passed this week. I need more time. T_T Haven't blogged much. 


Oh, and yeah. Haven't blogged 'bout the Oct. 2 swimming. T_T Details: http://rachelanncarlos.blogspot.com/2010/10/swimming-with-prominence.html
Hrhr. XD

Monday, September 20, 2010

All things Rhyme and Beautiful X) Defective poems LOL

Dad made this for me when I was in 1st yr HS.

Ang Komonwelt at Ang Kalayaan (A boring one, 'cause it's a project, some lines don't rhyme)

Kalayaan ko, iyo bang napagtanto,
Kalagayan natin ngayon at ang kalayaang ito?
Pa'no nga ba nag-ugat at sinong may gawa?
Sa wari ko'y may kinalaman ang Ama ng Wikang Pambansa.

Siya ang nagtatag ng isang pagbabago
Pagbabagong kalayaang handog sa Pilipino
Alam mo ba ang tawag sa akda n'yang ito?
Pamahalaang Komonwelt nga ang bansag nga dito.

Sa ilalim nito ay may pampulitikal
Upang palawigin hanay ng opisyal
Nagkaroon ng sanggunian, kongreso at komisyon
Pati ang karapatang bumoto ang nasyon

Ngunit kay Quezon, una ang edukasyon
Pati bokasyonal, pang matanda ay kanyang suhestyon
Mayro'n ding pangkabuhayan, para sa kababayan
Upang tangkilikin, sariling atin.

Ang lahat ng ito'y dapat ding pangalagaan.
Kaya't nagtatag ng hukbong sandatahan
Kaya sa inyo, aking panawagan,
Kapwa ko Pilipino, ingatan ang kalayaan.


My bro made this one when he was in Senior High.

Dalawang Linggong Pag-ibig (Ending quite sucks)

Sa aking lungkot at pag-iisa
Biglang kumawala at napuksa
Ang lumbay na sa aki'y bumalot
At natamo, pag-ibig mong dulot.

Sa tuwing kasama'y sumasaya,
Lahat ng naisin, nakukuha
At bawat oras sa iyong piling,
Tila nasa langit, O' ang galing!

Ngunit biglang dumating ang gulat
Nang isa'y mawala na parang kidlat
O' kay sakit sa murang damdamin
Gumuho lahat ng nais kamtin

At sa loob ng dalawang linggo
Kagalakan ang aking natamo
Ngunit di na dapat pang magtagal
Pamamaalam sa aking mahal.

Made these when I was in 1st yr HS.

Just a Little Prayer  (No rhythm and ending quite sucks)

Holy God and Your Almighty name,
We praise and glorify your fame;
Bless us O' Lord as we pray,
Make us safe by night and by day.

Please guide our steps wherever as it may,
Show us the correct pathway;
Almighty God, in You we believe,
And we thank you for all the blessings that we receive.

Lead us Lord a helpful hand,
So we can spread into our land;
Through holy teachings that you give,
And also learn how to forgive.

Inang May Ginintuang Puso (I recycle this when we have a project XD)

Napakapalad ko't ika'y aking ina,
Lahat ng problema ay 'yong kinakaya,
Sa aking tabi lagi kong nadarama,
Kaming 'yong mga supling, ay mahalaga

Ikaw ang inang may ginintuang puso
Ang inang nagmamahal ng taos-puso
Ikaw ang gumagabay sa aking buhay
Ang s'yang nagbibigay ng tunay na kulay

Sa piling mo ina, ayaw kong malayo
Pagtanda mo, manatili tayong buo
Kaya ngayon ay akin ngang napagtanto
Ikaw lang,tanging ilaw ng aking puso

2010 Musings

I think my teacher didn't like this way of writing. Maybe she's used to the A-B line rhyming and it's too unusual to make a poem with just two stanzas. -__-

Ano ba ang silbi ng wika para sa iyo?
Ginagamit mo ba 'to sa mabuting paraan?
Pamana ni Manuel Quezon, gamitin ng wasto.
Bilang ehemplo sa ibang kabataan.

Para sa'n pa'ng wika kung di pahahalagahan?
Wikang Pilipino lamang ang may po at opo
Dapat nga ipagmalaki sa mga dayuhan
Pag isipan mo, ikaw na bumabasa nito

English Language: An Inspiration ( This title sucks. My teacher thought of it and it's compulsory for us to use what she gave. I dunno if she really wants us to make an essay and not a poem. haha. This is a collab work w/ my bro. Phrases aren't that understandable. XD)

The pen is mightier than the sword
That's why a clash could give end through a word
This is possible through the language
Which preserves our own heritage
Through English, people will understand
As to this, we can go hand in hand

English gives us the light we needed
Full of ideas, makes us fed
With thoughts of different things around us
Break the walls of conversing within us
Practice speaking or even reading
In English you'll be succeeding.

So much litigation for our hope
English language is like our own dope
Aspire every dream, make it happen
Language will not make us forgotten
This way, we shall heed what others say
Language barrier should be gone away.


Tuesday, August 31, 2010

NOOOO!

NOOOO!

Answer here

Monday, August 30, 2010

THAILAND!

THAILAND!

Answer here

Stochastic musings.

My 'rents are gonna come back here in the Phils on Sept. I'm excited to have braces attached to my teeth though I think I would look anorexic if I got 'em. XD I might also look like "Ugly Betty" ("Betty La Fea"). Rachel and I would bully each other, looking like Betty. Hahaha X)
---
I heard this song, one jeepney ride while I was on my way to school. Somehow, it made me feel relaxed.

http://www.youtube.com/watch?v=t130Gzik-RM

Me Love - Sean Kingston

And Eminem's rap on this won't escape my mind.

http://www.youtube.com/watch?v=uelHwf8o7_U&ob=av3e

Love the Way You Lie - Eminem ft. Rihanna
---
N-n-n-nothin' to do babe.. X)

---
I was thinking of not uploading this. But then, I don't want it to rot. It's my cover of Paramore's Franklin. I don't mind if you criticize. :)


I heart it.

Okay, today my throat is hurting badly. I don't know why.

When I was typing this entry on Saturday, the CPU died. So today, I'll tell about it. :) I made this blog to share things to others and not to keep 'em to myself. Ans as for the reason that not everyone who visits my blog are Filipinos, I considered to type everything in English from here on. :) So here it goes.

Saturday afternoon, I went to my "girlfriend" Dins' (and I'm her boyfriend LOL) house 'cause we had planned on   Friday to continue doing our project along with our two good friends Joan and Rachel. I brought with me my scrapbook project which contains mostly of my childhood pictures. Joan took pictures of those using her cellphone. XD She posted it on Facebook so I just used Snipping Tool to get 'em all. X)




And so we made the project.

 

Of course, having long breaks and eating snacks were not considered as wasting time. And just because we're camwhores, we took pictures of us using Dins' sister's Macbook as our photobooth. :P











So that was my Saturday. :)

Sunday, August 29, 2010

What is your most marked characteristic? Why? Do you want to change? Why or why not?

I help people too much. I want to change a bit. I sometimes forget about myself.

Oh ano? :)

Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

Hindi

Oh ano? :)

Pwede bang maglagay ng dinner o breakfast sa lunchbox?

Oo

Oh ano? :)

Ang lason ba pag nag expire nakakalason pa rin?

Hindi na masyado

Oh ano? :)

pimple sa ilong o ilong sa pimple? (actually, slightly modified: magkaroon ng isang malaking pimple sa ilong forever o kada magka-pimple ka eh may ilong ito) wag kang tatawa! SERYOSO TO

Pimple sa ilong lang ang posible. Hindi din nakakatawa.

Oh ano? :)

What was the most stupid thing you had done?

Secret walang clue.

Oh ano? :)

kung papalitan ang balat mo sa buong katawan, anong ipapalit mo, balat sa siko o balat sa talampakan?

Balat ko sa apelyido :)

Oh ano? :)

What bothers you most about what is happening in your country today?

All things that this country faces.

Oh ano? :)

What is your most marked characteristic? Why? Do you want to change? Why or why not?

Dobol send.

Oh ano? :)

Why do they call them "apartments" when they are all stuck together? EXPLAIN!

Don't think too literally.

Oh ano? :)

There are 24 hours in a day, and 24 beers in a case. Coincidence?

Yes.

Oh ano? :)

In the rudimentary lucidity stages of your life, how do you learn to percept misconceptions and mistranslations to actual things cognitively and pragmatically?

Prescence of mind and logical thinking is essential.

Oh ano? :)

what if d ako magparamdam for at least 1 month sa BS , sa TC , sa GKEAJ , sa Lhat mami2s mo ko?? haha .,. d ako emo ^_^

Kung gusto mo eh. Sure.

Oh ano? :)

Shouldn't the opposite of shut up be shut down? HAHA!

No, the opposite of it is speak loud/make some noise.

Oh ano? :)

Why isn't 11 pronounced "onety-one"?.. OHA!

Because it is called eleven.

Oh ano? :)

If one synchronized swimmer drowns, do the rest drown too? hahahah tammaaa

Possible.

Oh ano? :)

Isn't it offensive when people get defensive? SAGOT!

No.

Oh ano? :)

pano kung may pimples ka sa batok mo.. mahihiya ka bang pumasok sa school?

Hindi.

Oh ano? :)

paano ka maghugas ng pwet pagkatapos mong tumae?? haha step by step .,. hihihi

Kuha ng tabong may tubig gamit ang kanang kamay. Sabon naman sa kaliwa.

Oh ano? :)

ANONG KAMAY ANG PINANG HUHUGAS MO NG PWET? LEFT OR RIGHT?? AT ANONG KAMAY NAMAN PAG SA TABO:)

Left. Right.

Oh ano? :)

TUMATAE KA BA ARAW ARAW?

Hindi nga eh. :(

Oh ano? :)

Bakit ginagawang CHATSPRING ang FORMSPRING? :))

Dahil masaya. Parang pag uusap sa comment boxes ng Facebook.

Oh ano? :)

What has been the biggest disappointment in your life? Why?

When I invited my relatives to come with me to the Evangelical Mission. They said yes then no. They could have just declined directly if they're not interested. 'Twas a big heartbreak.

Oh ano? :)

Do you believe in God?

OF COURSE.

Oh ano? :)

SINUBUKAN MO NA BANG TUMAE NG WALANG EXPRESSION ANG MUKHA?

Hindi.

Oh ano? :)

What is the one feature you'd change about yourself and why?

I am boastful. Because I am.

Oh ano? :)

Which celebrity would you invite to a dinner party and why?

Pooh. Para may stand up comedian.

Oh ano? :)

If you could change one thing about the world what would it be?

Hypocrisy.

Oh ano? :)

What is your definition of success?

When you go outside the bathroom and your tummy's feeling good.

Oh ano? :)

Do you think professional athletes are overpaid?"

Yeah.

Oh ano? :)

Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. Bakit may LOCK pa ang pinto nila? Bakit? Bakit? BAKIT NGA BA??

Design

Oh ano? :)

If you expect the unexpected, wouldn’t the unexpected be expected? :))

Yes

Oh ano? :)

kung tatlo na lang ang buhok mo sa ulo, gusto mo bang sama-sama ang mga ito o hiwa-hiwalay?

Gusto kong mawala na lang ang mga ito.

Oh ano? :)

TRIP MO BA FORMSPRING?

Yeah.

Oh ano? :)

If corn oil is made from corn and vegetable oil is made from vegetables. What is baby oil made from? XD

mineral oil

Oh ano? :)

If man evolved from monkeys and apes, why do we still have monkeys and apes? EHEM EHEM!!! commonsense dba???

We didn't really evolve from monkeys and bakulaws.

Oh ano? :)

Do infants enjoy infancy as much as adults enjoy adultery? weee

Yes.

Oh ano? :)

situation: kung may gf/bf ka, tas kita mong suot pa nya ung ring na bigay ng ex nya at nkasulat doon ung name ng ex tas d nya mtanggal tangal kxe sanay na xa na may singsing. ano ang gagawin mo??ano ang masasabi mo??

Di ko alam.

Oh ano? :)

KILALA NYO BA KUNG SINO NAG PASIMULA NG TANONG TUNGKOL SA PWET??? SAGOTT!! si edda un hahahah

Ok.

Oh ano? :)

Anong sabi ng tinga sa kulangot?

Ba't ka kumakaway?

Oh ano? :)

Do you believe that everyone is a winner? Why or why not?

Yes. In everything we do, in the end we are the ones who're beneficial. God has plans for us.

Oh ano? :)

NAKITA MO NA BA ANG BATOK MO NG HNDI TUMITINGIN SA SALAMIN?

Hindi.

Oh ano? :)

What does love mean to you?

Extreme desire for caring and longing. (Filial love) Can't quite explain it very well.

Oh ano? :)

What is the biggest challenge to young people today?

StuDIES. It is a hindrance to siesta.

Oh ano? :)

If you had a magic wand what is the one thing you would ask for?

World Peace.

Oh ano? :)

What are the three things you would never do to the person you love?

Kill, be a traitor, break the trust

Oh ano? :)

What is the one thing you would not tolerate?

Forgetting God.

Oh ano? :)

how will you highlight the problems in your city and try and solve them?

Look at this rotten society and if I'm just rich I could help financially. Unfortunately, I'm not. The only thing I could do now is to say my point of views to our current President so he could inform our mayor.

Oh ano? :)

If there is one thing you could do to change the world what would it be?

Let people hear the teachings of God.

Oh ano? :)

Do you consider yourself to be a giver or a taker? Why?

Giver.

Oh ano? :)

Saturday, August 28, 2010

Kung ang lolo ng tatay ng pinsan ng anak ng tito mo na asawa ng ninong mo ay ang ate ng tita na pinsan ng inaanak mo. Ano naman ang ulam niyo? Kumain ka na ba?

Wala. Hindi.

Oh ano? :)

"whAt iS thE biGgesT m!stAke u did in your life and what did you do to correct it?"

I type like you when I was younger and I type normally now.

Oh ano? :)

Where is the lead in a lead pencil?

Inside it.

Oh ano? :)

Where's the egg in an egg roll?

There in the river.. lavender.

Oh ano? :)

Why aren't blue berries blue?

Because it's dark blue. :)

Oh ano? :)

Why does Donald Duck wear a towel when he comes out of the shower, when he doesn't usually wear any pants?

Idol nya si Winnie the Pooh.

Oh ano? :)

Why do they call it taking a dump? Shouldn't it be leaving a dump?

Idiomatic expression maybe?

Oh ano? :)

Followed.

:)

Oh ano? :)

Can blind people see their dreams?

Yes.

Oh ano? :)

Why are Softballs hard?

Why are softdrinks called softdrinks?

Oh ano? :)

Why is Grape Nuts cereal called that, when it contains neither grapes, nor nuts?

Bakit blackboard ang tawag sa blackboard eh hindi naman sya black? :)

Oh ano? :)

Why is an alarm clock going "off" when it actually turns on

Because... :)

Oh ano? :)

Chepe :)

Mhadz :)

Oh ano? :)

How can you be so sure that you're not me?

Of course I am so sure. I am a boy you are a gay.

Oh ano? :)

good morning ^_^

Good morning :)

Oh ano? :)

Hindi ka na bata diba? 19 diba? Diba?

Ikaw 19 years nang single.

Oh ano? :)

Hindi ka na bata diba? 19 diba? Diba?

Oo na lang.

Oh ano? :)

Thursday, August 26, 2010

ay? baket? ayaw mong may nanliligaw sayo?

AYAW.

Oh ano? :)

naira bat aya mong pautangan si gracey ?? haha

Wala akong pampautang eh.

Oh ano? :)

tumatanggap ka ba ng manliligaw?

Hindi.

Tumatadyak, oo.

Oh ano? :)

tumatanggap ka ba ng manliligaw?

Hindi.

Oh ano? :)

ano tawag ni geio sayo? baby naira?

Naira.

Oh ano? :)

haha.,. ok ok

Haha. :)

Oh ano? :)

super close kayo ??

Yes. Katabi ko na naman siya ngayon.

Oh ano? :)

strikto ba si kuya??

Saktuhan lang.

Oh ano? :)

ano tawag mo kay emmdee? bunso?

KUYA! :|

Oh ano? :)

pautang pede?

Ako uutang sa you :)

Oh ano? :)

nagbubukas ka pa ba ng friendster???

Hindi.

Oh ano? :)

taken ka na pala... d mo sinasabi... hahaha...

Matagal na kami ni Dins. Since birth.

Oh ano? :)

twin kayo ni emmdee?

NO! :|

Oh ano? :)

Who's the smartest person you know?

I haven't met him/her yet.

Oh ano? :)

What's your favorite sport?

Volleyball na lang.

Oh ano? :)

Chocolate or Vanilla?

Both.

Oh ano? :)

If you could eliminate one thing you do each day in the bathroom so you never had to do it again, what would it be?

Shampooing is a hassle.

Oh ano? :)

Gaano mo ka mahal si emmdee? waha

Immeasurable.... Kasi walang ime-measure. LOLJK.

Oh ano? :)

Tuesday, August 24, 2010

How are you? Are you feeling any pressure right now? What role did your family play to you?

How are you? Are you feeling any pressure right now? What role did your family play to you?

Answer here

What is one big mistake you made in your life and what did you do to make it right?

What is one big mistake you made in your life and what did you do to make it right?

Answer here

Saturday, August 21, 2010

Some Insights..

Reputasyon.
Dahil sa pangangalaga jan, parang wala ka ng pwedeng gawing mali. K, pwedeng makatulong yan sa’yo — magiging disciplined ka, pero sakal na sakal ka naman. Kaya enjoy life..live what you wanna live.
-----
Pinagawa kami ng tula sa school. Natapos ko w/in 30 mins..?! Ewan.. basta naipasa ko rin agad.. Yung tula eh dapat tungkol sa "Paglisan".

Mahal kong Ama

Ama kong mahal, ika'y bumalik
Ako ngayon ay tigib ng hibik
Alam mo namang ako'y nasabik.

Ako ay maligaya na naman
Nayakap muli't ika'y nahagkan
T'wing nawawalay, nag-iiyakan.

Bagamat ito'y panandalian
Sapagkat ika'y muling lilisan
Tungong pinaghahanapbuhayan

Di naman ako pwedeng magalit
Aalis ng bansa na papilit
Buhay man doon ay malupit

Salamat sa pagsisikap, ama
Kahit ano'y iyong binabata
Kaya mahal na mahal po kita

Huwag ka po magsasawa magmahal
sa aming 'yong pamilya't sa Maykapal
Aabangan ko, iyong pagdatal.



Friday, August 20, 2010

Sigh Life...

Ngayon na lang uli nakapag update.. 

Nakaraos na sa exams.. masaya naman ako sa results. 2nd Quarter na.. Nag shitting arrangement kanina.. nasa 5th row ako nyemas. Feeling matangkad at 20-20 vision hahaha. Tadtad na naman sa gawain... Isinali ako sa on the spot tula-making para sa Buwan ng Wika Celebration..May project na scrapbook..good luck sa designing sKILLs XD. may reporting pa sa Social na parang matatapat sa Sept. ang grupo namin.. na sa kamalas malasan eh English Month Celebration.. FUKUK! Hassle mga pinagagawa.. storytelling..drawing ng american lit. na character.. oration..declamation.. speech choir.. tsk.. may mga lectures pang dapat gawin.. 

Anyway, sa nakaraang exams.. naisip ko lang na:
1. Wag excited magpasa ng papel.
2. Wag tamarin mag double check ng sagot.
3. Maganda ipansulat ang HBW ballpen kasi nabubura ng pencil eraser.
4. Importante ang prescence of mind.
5. Wag ma pressure (nakakabingi - di mo marinig instructions ng proctor/teacher)
6. Never ever never leave an item blank (mag wild guess method-- COMMON SENSE)
7. Mangopya at magpakopya.. LOLJK.

Bukas makikibirthday ako.. At ngayon, sisimulan ko ng gawin ang mga nakatambak at madadagdagan pang taeng schoolworks. Goodluck naman sakin pag may tungkulin na ko.. yes F na F! Gagawa na ko ng salaysay yeahhhh! X)

Tuesday, August 17, 2010

CHIPPY!

Syomay! :D

Oh ano? :)

Monday, August 16, 2010

Bakit ka masungit?

Dahil. :)

Oh ano? :)

Wednesday, August 4, 2010

Haaay.

Namiss ko mag type. Nabobore na 'ko sa internet world. Ito na lang blog kakausapin ko. Atsaka yung gitara. LOL. 6/10 ang happiness ngayong araw. Pffffttt, -_- Hmmm. May tatlo pa kong projects. Busy again for this weekend and for next week kasi exams and for the rest of the effin school year. LOL. Kelangan ko pa magaral sa trigo at magbasa sa PEHM. (Iba yung aral sa basa.) Pero gusto ko lang magpahinga at ayaw ng system ko gumalaw. -_- Kahit wala naman akong ginagawa sa internet. Thurs bukas... yun.. la lang. Pfffttt. I'm so bored parang wala akong gagawin eh ang dami dami pa. -_- arrgh. Kabuset. Isa sa mga nagpaBV ang baba magbigay ng grade sa TLE. Sus. Sayang lang yung pagdedesign ko. Hindi talaga ako marunong magdesign pero pinilit ko. ay sus talaga. -_- Taeness. Wala talaga kong ibang ma type kundi tungkol sa school hay jusme. -_-

*I'm so boring to be with. I'm self centered. I'm hot-tempered.I'm boastful. I'm annoying. Die self! Die!

LOLJK. :P Napapaenglish pag bored LOL. Iniisip ko kung gagawin kong pure english tong blog. Maybe next time. haha. Parang mas "ako to" pag yung pagkakatype parang sinasabi ko lang. Simple, maikli, pero oks lang. :))

Friday, July 23, 2010

Mahangin.

 Nakaka BV ang lakas ng hangin sa Pilipinas. -_-" May bagyo ba? Nakakainis. Ang dami kasing hangin e. Di ba nila naiisip sobra na sila? Mabait sila sige pero ang hangin talaga. :)))))) Mahangin din ako, oo alam ko di maiiwasan sa tao yon. Pero sana man lang pumepreno eh. Diba? Diba? :))) Hay, sa bagay, tao ako at ako ang dapat mag adjust sa paligid ko. Tama! X)
Buti pa to nakaka GV

Sunday, July 18, 2010

Know your tae.

TAE

:)

Tuesday, July 13, 2010

Ayos namang jang. :))

Ok naman so far ang araw ko, dapat mamaya pa ko magpopost, e baka malimutan ko kaya ngayon na lang.

Hmmm. Naaadik ako sa Cadbury Caramello ngayon O_O Sabayan ng ulan. Kala ko nga suspended klase. Haha. May project kaming drawing. May project kaming sonnet. Trip ko nang simulan. Pero ayaw pa ng system ko. Haha.Yun. La lang. :)

Monday, July 12, 2010

Bakit sa araw bubungad GV, sa gabi BV?

Hindi ba pwedeng sa mga oras na dilat talaga ko mapagabi pa eh GV? Hay buhay.
Sakit ng tuhod ko. Hindi na to sumasakit e. Ba't bumalik balik ka pa?
ANG BWISIT

Haaaay, Anyway, eto lang naisip ko kanina.

May naitulong din pagiging independent. Life is a give and take process - whatever aspect or field it may be - whether career, friendship or family. Independent ako ngayon, kasi I've been depending on my parents for fourteen years, it's time for me to do things on my own. My parents are now the ones who asks the favor of taking care of myself.

God's with me. I know that. :)

Swerte nga din at kahit hindi ako nagrerebyu at tinititigan ko lang ang libro na parang pinipiktyuran ko ito eh nakakatsamba pa ng perfect quizzes. Sana laging ganito. :)

Bertdey ng Titser. Ala magawa.

First of all, we're sorry for the wrong things that we've done,
With you as our teacher, learning sure is fun.
I may not be a great poet,
But please accept this message as the purest.

You've been a great veteran in the field of educating,
You've been the one who taught our siblings.
For your students, you are always here,
Through happiness or even tears.

We know we're just your students,
But we treat you as our parent.
Thank you for your understanding heart,
I wish our bond would not part.

We want to see your smile every meeting,
And not a face which is blazing.
Today marks your special day,
And so we greet you a HAPPY BIRTHDAY!

Unang Mass sa Eskwelahan

Isang araw na nakatatamad,
Tila ang oras ay kay kupad;
Gumagawa ng wala,
Biglang naisipang gumawa ng tula.

Para lang akong tanga,
Nakatunganga dito sa kantina.
Hindi naman ako mag-isa,
Marami naman akong kasama.

Pero parang OP na, gusto ko lang talagang umuwi na,
Inisip ko nga kanina kung papasok pa.
Ang nakakabwisit lang kasi,
E may tatlong quiz kami.

Badtrip pa't inaantok ako,
Puro daldal naman mga tao dito.
E kung nasa bahay ako,
Edi sana nagkokompyuter na'ko!?

Ang init init pa, nakakainis talaga.
Pero ok na rin magmisa sila,
Naputol pa ang apat na asignatura,
Hay bigla kong namiss mag gitara.

Anim na oras pa ang gugugulin,
Marami-raming laway pa ang papanisin,
Nakakatamad makipag usap sa iba,
Pati pagrereview kinatamaran ko na.

Nagpalate na nga ako,
Kulang pa rin ang tulog ko,
Ni pagtayo para bumili ng pagkain, tinatamad ako!
Di naman pwede mag cutting dito!

Wala man lang tanawin,
Para maidrawing,
Uuwi ako ng maaga!
Namiss ko ang "pahina"!

Kundi lang ako mabait,
Nako talagang ako'y aabsent.
Paulit ulit akong parang sirang plaka,
E nagsasayang lang naman ng tinta.

Ilang beses akong humigab na,
Ilang beses nang bumuntong hininga,
Syet! Nakakapagod din pala,
Tumunganga't gumawa ng wala.

Sunday, July 11, 2010

The Birth of My Blog

Ok, wala lang naisipan ko lang magblog. Pag andami kasing echos na naiisip e minsan kelangan kong itype para wala lang. :) Akalain mo nga namang nag b-blog ako. Pananaw ko kasi dati eh "Sino namang babasa ng blog ko? ng naiisip ko? ng nararamdaman ko? ng tungkol sakin? Walang pake ang tao!" Haha. O_O