Tungkol saken?

My photo
Valenzuela, Philippines

Monday, July 12, 2010

Unang Mass sa Eskwelahan

Isang araw na nakatatamad,
Tila ang oras ay kay kupad;
Gumagawa ng wala,
Biglang naisipang gumawa ng tula.

Para lang akong tanga,
Nakatunganga dito sa kantina.
Hindi naman ako mag-isa,
Marami naman akong kasama.

Pero parang OP na, gusto ko lang talagang umuwi na,
Inisip ko nga kanina kung papasok pa.
Ang nakakabwisit lang kasi,
E may tatlong quiz kami.

Badtrip pa't inaantok ako,
Puro daldal naman mga tao dito.
E kung nasa bahay ako,
Edi sana nagkokompyuter na'ko!?

Ang init init pa, nakakainis talaga.
Pero ok na rin magmisa sila,
Naputol pa ang apat na asignatura,
Hay bigla kong namiss mag gitara.

Anim na oras pa ang gugugulin,
Marami-raming laway pa ang papanisin,
Nakakatamad makipag usap sa iba,
Pati pagrereview kinatamaran ko na.

Nagpalate na nga ako,
Kulang pa rin ang tulog ko,
Ni pagtayo para bumili ng pagkain, tinatamad ako!
Di naman pwede mag cutting dito!

Wala man lang tanawin,
Para maidrawing,
Uuwi ako ng maaga!
Namiss ko ang "pahina"!

Kundi lang ako mabait,
Nako talagang ako'y aabsent.
Paulit ulit akong parang sirang plaka,
E nagsasayang lang naman ng tinta.

Ilang beses akong humigab na,
Ilang beses nang bumuntong hininga,
Syet! Nakakapagod din pala,
Tumunganga't gumawa ng wala.

2 comments:

  1. Ahaha! Love it! XD

    Sabi na nga ba eh. Gumagawa ka ng tula no'n eh! :D

    ReplyDelete