Dad made this for me when I was in 1st yr HS.
Ang Komonwelt at Ang Kalayaan (A boring one, 'cause it's a project, some lines don't rhyme)
Kalayaan ko, iyo bang napagtanto,
Kalagayan natin ngayon at ang kalayaang ito?
Pa'no nga ba nag-ugat at sinong may gawa?
Sa wari ko'y may kinalaman ang Ama ng Wikang Pambansa.
Siya ang nagtatag ng isang pagbabago
Pagbabagong kalayaang handog sa Pilipino
Alam mo ba ang tawag sa akda n'yang ito?
Pamahalaang Komonwelt nga ang bansag nga dito.
Sa ilalim nito ay may pampulitikal
Upang palawigin hanay ng opisyal
Nagkaroon ng sanggunian, kongreso at komisyon
Pati ang karapatang bumoto ang nasyon
Ngunit kay Quezon, una ang edukasyon
Pati bokasyonal, pang matanda ay kanyang suhestyon
Mayro'n ding pangkabuhayan, para sa kababayan
Upang tangkilikin, sariling atin.
Ang lahat ng ito'y dapat ding pangalagaan.
Kaya't nagtatag ng hukbong sandatahan
Kaya sa inyo, aking panawagan,
Kapwa ko Pilipino, ingatan ang kalayaan.
My bro made this one when he was in Senior High.
Dalawang Linggong Pag-ibig (Ending quite sucks)
Sa aking lungkot at pag-iisa
Biglang kumawala at napuksa
Ang lumbay na sa aki'y bumalot
At natamo, pag-ibig mong dulot.
Sa tuwing kasama'y sumasaya,
Lahat ng naisin, nakukuha
At bawat oras sa iyong piling,
Tila nasa langit, O' ang galing!
Ngunit biglang dumating ang gulat
Nang isa'y mawala na parang kidlat
O' kay sakit sa murang damdamin
Gumuho lahat ng nais kamtin
At sa loob ng dalawang linggo
Kagalakan ang aking natamo
Ngunit di na dapat pang magtagal
Pamamaalam sa aking mahal.
Made these when I was in 1st yr HS.
Just a Little Prayer (No rhythm and ending quite sucks)
Holy God and Your Almighty name,
We praise and glorify your fame;
Bless us O' Lord as we pray,
Make us safe by night and by day.
Please guide our steps wherever as it may,
Show us the correct pathway;
Almighty God, in You we believe,
And we thank you for all the blessings that we receive.
Lead us Lord a helpful hand,
So we can spread into our land;
Through holy teachings that you give,
And also learn how to forgive.
Inang May Ginintuang Puso (I recycle this when we have a project XD)
Napakapalad ko't ika'y aking ina,
Lahat ng problema ay 'yong kinakaya,
Sa aking tabi lagi kong nadarama,
Kaming 'yong mga supling, ay mahalaga
Ikaw ang inang may ginintuang puso
Ang inang nagmamahal ng taos-puso
Ikaw ang gumagabay sa aking buhay
Ang s'yang nagbibigay ng tunay na kulay
Sa piling mo ina, ayaw kong malayo
Pagtanda mo, manatili tayong buo
Kaya ngayon ay akin ngang napagtanto
Ikaw lang,tanging ilaw ng aking puso
2010 Musings
I think my teacher didn't like this way of writing. Maybe she's used to the A-B line rhyming and it's too unusual to make a poem with just two stanzas. -__-
Ano ba ang silbi ng wika para sa iyo?
Ginagamit mo ba 'to sa mabuting paraan?
Pamana ni Manuel Quezon, gamitin ng wasto.
Bilang ehemplo sa ibang kabataan.
Para sa'n pa'ng wika kung di pahahalagahan?
Wikang Pilipino lamang ang may po at opo
Dapat nga ipagmalaki sa mga dayuhan
Pag isipan mo, ikaw na bumabasa nito
English Language: An Inspiration ( This title sucks. My teacher thought of it and it's compulsory for us to use what she gave. I dunno if she really wants us to make an essay and not a poem. haha. This is a collab work w/ my bro. Phrases aren't that understandable. XD)
The pen is mightier than the sword
That's why a clash could give end through a word
This is possible through the language
Which preserves our own heritage
Through English, people will understand
As to this, we can go hand in hand
English gives us the light we needed
Full of ideas, makes us fed
With thoughts of different things around us
Break the walls of conversing within us
Practice speaking or even reading
In English you'll be succeeding.
So much litigation for our hope
English language is like our own dope
Aspire every dream, make it happen
Language will not make us forgotten
This way, we shall heed what others say
Language barrier should be gone away.
No comments:
Post a Comment